Magdalo pumalag sa ulat na planong kudeta kay Duterte

By Erwin Aguilon September 12, 2018 - 02:49 PM

Iginiit ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na panghihimasok sa seguridad ng bansa ang intelligence report na natanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa ibang bansa.

Ayon kay Alejano, kung totoo man ang natanggap na intelligence report mula sa ibang bansa ni Pangulong Duterte na ikinakasang ouster plot laban sa kanya ng mga miyembro ng Liberal Party, Sen. Antonio Trillanes at ng Communist Party of the Philippines may paglabag ito sa anti-wiretapping law ng Pilipinas.

Dahil dito, hinamon ng kongresista ang pangulo na isapubliko ang kanyang mga ebidensya sa kanyang alegasyon upang malaman ng taumbayan na hindi ito kwentong kutsero lamang.

Kung paninindigan anya ng pangulo ang natanggap niyang intelligence report posibleng maharap muli si Pangulong Duterte sa reklamong impeachment.

Samantala, nanindigan naman si Alejano na hindi gagawin nina Trillanes ang akusasyon ng pangulo sapagkat sumusunod ang mga ito sa Saligang Batas.

TAGS: alejano, magdalo, wire tapping, alejano, magdalo, wire tapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.