MARINA may abiso sa mga may-ari ng barko kaugnay sa parating na bagyo

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2018 - 10:54 AM SHARE(S):

Inabisuhan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga may-ari ng barko na magpatupad ng safety measures ngayong paparating na ang bagyong Ompong.

Sa abiso ng MARINA, inatasan din ang mga ship at boat owners na sumunod sa weather assessment procedures sa kanilang pagbiyahe.

Ito ay para maiwasan na ang kanilang mga biyahe ay abutan ng malalakas na alon at hagupit ng bagyo.

Tiniyak naman ng MARINA na patuloy ang kanilang monitoring sa mga pangunahing pantalan sa bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

TAGS: advisory, boat and ship vessels, dotr, Mangkhut, MARINA, Ompong, advisory, boat and ship vessels, dotr, Mangkhut, MARINA, Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.