Metro Manila inulan; ilang lansangan binaha

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2018 - 10:36 AM

Inquirer Photo | Grig Montegrande

Agad binaha ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil sa naranasang pag-ulan.

Paglilinaw naman ng PAGASA hindi pa epekto ng Typhoon Mangkhut ang bumuhos na malakas na ulan sa Metro Manila, Miyerkules ng umaga.

Pasado alas 9:00 ng umaga nang maglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA at sinabing ang Quezon City, Pasig, Marikina at San Juan ay apektado ng malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin.

Tumagal ang nasabing lagay ng panahon hanggang dalawang oras.

Dahil dito, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na agad nakapagtala ng pagbaha sa ilang lansangan kabilang ang EDSA P. Tuazon north at southbound, East Avenue sa harap ng National Kidney Institute, EDSA Ortigas – POEA southbound, at EDSA Quezon Ave. – Centris northbound.

Hindi naman malalim ang naranasang pagbaha at nadaanan pa rin ng mgasasakyan ang naturang mga lansangan.

Makalipas ang ilang minuto na pagtigil ng ulan ay unti-unti ring humupa ang baha.

TAGS: Metro Manila, Radyo Inquirer, thunderstorm advisory, weather, Metro Manila, Radyo Inquirer, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.