Bagaman may bahagya nang pagbaba sa presyo ng gulay sa mga pamilihan, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Manny Piñol na maaring tumaas muli ang halaga sa susunod na mga araw.
Ito ay dahil sa nagbabantang pananalasa ng Typhoon Ompong sa Northern Luzon.
Ani Piñol umaasa siyang mauunawaan ng publiko na kapag masama ang panahon ay may epekto talaga sa presyuhan ng gulay.
“Yung gulay naman, again, let me say din, bumaba yan, but expectedly itong nangyayari ngayon sa Northern Luzon na magkakaroon ng bagyo, posibleng tumaas na naman iyan and I hope people will understand na volatile talaga yung presyo ng gulay. But we are doing our long term efforts para ma-address ito,” ayon kay Piñol.
Isa sa mga solusyon ng DA ay ang humanap ng mga alternatibog lugar na maaring pagkuhanan ng suplay ng gulay maliban sa Northern Luzon.
Ani Piñol, nakausap na niya ang mga magsasaka sa Talakag, Bukidnon at sa susunod na linggo ay inaasahang may darating na suplay ng mga gulay sa Metro Manila mula sa nasabing lalawigan.
Pawang carrots, broccoli, cauliflower, repolyo at patatas ang laman ng shipment na mura lamang ang halaga.
“Ang DA is identifying alternative sources of vegetables para magka-bagyo naman sa Metro Manila or sa Luzon, mayroon tayong ibang pagkukunan ng gulay. (CUT 2:38) (DUGTONG 2:52)
Babalik ako sa Talakag, Bukidnon sa Friday, nakausap ko ang Mayor at mga farmers pauutangin namin sila ng capital para sila na bibiling produkto ng mga miyembro at itong mga produkto na ito ilalagay sa refrigerated containers at ito ang dadalhin sa Metro Manila, starting next week mga 40 to 60 tons,” dagdag pa ni Piñol.
Sa pinakahuling monitoring ng Radyo Inquirer sa Pasay City Public Market mayroong P10 hanggang P20 na pagbaba sa presyo ng ilang mga gulay.