License to Sell ng Torre de Manila, sinuspinde ng HLURB

hlurb
HLURB Commissioner Atty. Antonio Bernardo

Matapos patawan ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema ang konstruksyon sa Torre De Manila, sinuspinde naman ngayon ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ang License to sell nito.

Ayon kay HLURB Chief Executive Officer and Commissioner Atty. Antonio Bernardo, ang suspension order ng License to Sell ay batay na rin sa naunang TRO ng Kataas-taasang Hukuman.

Tatagal aniya ang suspensyon ng License to Sell ng Torre de Manila, hangga’t hindi binabawi ng Supreme Court ang inilabas nitong TRO.

Umapila rin si Bernardo sa mga nakabili o nakakuha na ng unit sa Torre de Manila, na ihinto muna ang pagbabayad ng monthly amortization upang hindi mahirapan sa pag-refund kung sakaling magbaba na ng pinal na desisyon ang Korte sa kaso.

Sakali aniyang magbenta pa rin ng unit ang Torre de Manila habang nanatili ang suspensyon ay dapat itong ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.

Payo naman ni Atty. Bernardo sa mga nakabili na ng unit, hintayin na lamang ang pinal na desisyon ng Supreme Court kung nais na makakuha ng full refund sa kanilang mga naibayad. / Jong Manlapaz

Read more...