Isyu ng minority leadership sa Kamara idinulog na sa Korte Suprema

By Erwin Aguilon September 12, 2018 - 09:04 AM

Nagpasaklolo na sa Supreme Court ang mga dating lider ng Kamara kaugnay sa isyu ng minority leadership.

Ayon kay dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas, naghain sila sa korte ng Petition for the Issuance of Status Quo Ante Order at Temporary Restraining Order sa usapin ng minorya.

Sa petisyon ng grupo ni Fariñas, iginiit ng mga ito na dapat ay si dating deputy minority leader Eugene De Vera ang maging minority leader at hindi si Quezon Rep. Danilo Suarez.

Paliwanag nito, bumoto si Suarez pabor sa nanalong House Speaker na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Base anya sa naging pasya ng korte sa Baguilat vs. Alvarez ang bumoto sa nanalong house speaker ay otomatikong magiging kasapi ng mayorya habang ang hindi bumoto pabor at nag abstain ay magiging miyembro ng minorya.

Sa makatuwid anya, mali na si Suarez pa rin ang minority leader at ipalit si De Vera.

TAGS: House of Representatives, minority issue, Radyo Inquirer, House of Representatives, minority issue, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.