2 arestado sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Malate

By Ricky Brozas September 12, 2018 - 08:28 AM

Huli sa pagbebenta ng ilegal na droga ang dalawang katao sa Malate, Maynila.

Iyan ay makaraang magkasa ng anti-criminality operation ang Malate Police Station-9 sa bahagi ng Leveriza St., na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek na sina Erman de Guzman, 42 anyos at Maritess Moroña, 46 anyos.

Ang suspek na si De Guzman ay residente ng Katipunan sa Quezon City habang si Moroña naman ay taga-Adriatico St., Malate.

Nakuha sa mga suspek ang 3 piraso ng plastic sachet ng shabu.

Nangako naman ang pamunuan ng Manila Police District na paiigtingin nila ang operasyon laban sa kriminalidad sa Lungsod ng Maynila.

TAGS: anti-criminality campaign, malate, Manila Police District, two arrested in Manila, War on drugs, anti-criminality campaign, malate, Manila Police District, two arrested in Manila, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.