NCAA library isasara sa loob ng 3-buwan

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2018 - 08:24 AM

Tatlong buwan na isasara sa publiko ang library ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA) sa Maynila.

Sa abiso ng NCAA, mula October 1, 2018 ay isasara muna ang library at magbabalik sa normal na operasyon sa January 2, 2019.

Paliwanag ng NCAA ang temporary closure ay para magkaroon ng pagkakataon ang kanilang
Library Services Section (LSS) na i-review at ayusin pa ang kanilang library policies, services, at pasilidad.

Magsasagawa din ng update, inventory, at pag-reclassify sa kanilang mga kuleksyon at paghahandaan ang taunang physical inventory ng Supplies Management Section.

Inabisuhan ng NCAA ang publiko na magbantay lang sa kanilang Facebook page para sa iba pang anunsyo.

TAGS: advisory, library, NCAA, NCAA Library closure, Radyo Inquirer, advisory, library, NCAA, NCAA Library closure, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.