Sen. Trillanes tinawag na luko-luko ni Pang. Duterte
Pumalag si Pangulong Rodrigo Duterte sa alegasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na inareglo lamang ng kanyang ama kung kaya nakapasa siya sa bar exam noong 1972.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakapasa siya sa bar exam, dalawampung taon matapos pumanaw ang kanyang ama na si Dating Davao Governor Vicente Duterte.
Pumanaw si Dating Gov. Vicente Duterte noong 1968 o apat na taon bago nakapagtapos ng abogasya ang pangulo sa San Beda University College of Law.
Base sa Supreme Court records, nasa official roll of attorneys ang pangulo noong June 1973.
Tinawag pa ng pangulo na luko-luko at torpe si Trillanes dahil sa walang katotohanang alegasyon.
Ayon sa pangulo, hindi siya kagaya ni Trillanes na ang tatay ay nasa serbisyo ng militar at ang nanay ay nagnenegosyo sa Philippine Navy.
Una rito, sinabi ng pangulo na maraming nakatagong bahay si Trillanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.