Sa paggunita ng anibersaryo ng pag-atake sa World Trade Center, sinabi ng mga otoridad na 15 lalaki na pawang rumesponde noon sa insidente ang dumaranas ngayon ng breast cancer.
Ayon kay FBI Director Christopher Wray, bagaman 17 taon na ang nakalilipas ay ngayon pa lamang nagsisimulang makita ang long term effects sa mga nagsakripisyo noon para makapagligtas ng buhay.
Pinaniniwalaan na ang breast cancer ay nakuha ng mga lalaking responders sa toxins mula sa Ground Zero.
Kabilang sa mga nagkasakit si Jeff Flynn na isang dekada matapos ang Sept. 11, 2001 attack ay na-diagnose na mayroong stage 3 breast cancer. 35 bukol din ang nakuha sa kaniya sa operasyon at 34 dito ay cancerous.
Sa inilabas na pag-aaral noon ng “The Lancet” sinabing ang mga first responders lalo na nag mga bumbero sa disaster site sa 9/11 attack ay 19 percent na maaring magkaroon ng cancer pitong taon matapos ang pag-atake.
Isa pang pag-aaral na lumabas naman sa JAMA Oncology ang nagsabi na ang mga nalantad sa World Trade Center site ay makararanas ng cancer.