Trillanes kay Pang. Duterte: “Huwag mong idadamay ang nanay ko!”

By Rhommel Balasbas September 12, 2018 - 04:02 AM

Hinimok ni Sen. Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag idamay ang kanyang 84-anyos at may Parkinson’s disease na ina sa kanilang bangayan.

Ito ay matapos sabihin ng pangulo na ang mga magulang ni Trillanes ay nagkaroon ng supply transactions sa Philippine Navy noong nasa military service pa ang tatay nito.

Ginawa ng pangulo ang mga alegasyon sa mismong araw na iminungkahi ng senador ang imbestigasyon sa multi-bilyong pisong kontratang pinasok ng ama ni Special Assistant to the President Bong Go sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Trillanes, wala nang maibato ang pangulo sa kanya kaya’t isinasali na ang kanyang mga magulang.

Iginiit ng senador na walang kaso ang kanyang nanay at pinalaki siya ng kanyang mga magulang nang maayos.

Anya pa, kung may kurakot sa kanyang mga magulang ay kurakot din dapat anya siya.

Hindi anya gawain ng tunay na lalaki ang pagdamay sa kanyang nanay at sinabing namemersonal na ang pangulo.

Samantala, inakusahan din ni Duterte si Trillanes na may maluhong pamumuhay dahil sa korapsyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.