Ito ay kung mabibigo pa rin ang Department of Information and Communications Technology na makakuha ng third telco player pagsapit ng buwan ng Oktubre o hindi kaya ay Nobyembre.
Sa kanyang one-on-one kasama si Presidential Legal Chief Salvador Panelo, sinabi ng pangulo na handa siyang gamitin ang kapangyarihan sa pagpili ng ikatlong telco pag pumalya ang mga negosasyon ng kanyang gabinete.
“Maybe late, early November ‘pag wala pa, I’ll take over. Ilagay ko ‘yan sa Office of the President and I will invite all business, and I will decide in front of them, kung sino,” ani Duterte.
Ipinahayag ni Duterte ang pagkadismaya sa bagal sa pagpili ng telco na isa sa kanyang mga prayoridad upang mapaganda ang serbisyo ng internet sa bansa.
Sinabi ng pangulo na hindi niya paiiralin ang lowest bidder kundi kung anong kumpanya ang makapagbibigay ng pinakamagandang serbisyo.
Sakaling mapili na ang telco ay bubuwagin na nito ang duopoly ng Smart Communications at Globe Telecom.