Babaeng drug courier ng dating pulis, arestado sa Maynila

By Rhommel Balasbas September 12, 2018 - 03:55 AM SHARE(S):
INQUIRER File Photo

Isang babaeng drug courier ng isang dating pulis ang naaresto sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Manila Police District at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Sampaloc, Maynila.

Timbog ang babae matapos magpanggap na buyer ang isang undercover agent at nagbigay ng P800,000 marked money.

Nakuha sa suspek ang aabot sa 650 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4,420,000.

Ayon sa mga pulis, courier ng dating pulis na si PO2 Jolly Lapuz Aliangan ang suspek.

Naaresto si Aliangan noon pang May 2016 dahil sa iligal na droga, mga armas at P7 milyong cash.

Bagaman nakakulong na ay patuloy pa rin sa kalakaran ng iligal na droga ang ninja cop.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.