Campaign period sa BSKE elections sa Marawi, simula na ngayong araw

By Rhommel Balasbas September 12, 2018 - 03:54 AM SHARE(S):
INQUIRER File Photo

Simula na ngayong araw ng Miyerkules, September 12 ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Marawi City.

Sa isang pahayag, sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na mayroong walong araw o hanggang September 20 ang mga kandidato para mangampanya.

Sa September 22 na magaganap ang halalan sa lungsod.

Ang kabuuang bilang ng balotang gagamitin sa eleksyon ay 79,289.

Isang barangay chairman, pitong kagawad, isang SK chairman at pitong SK kagawad ang ihahalal.

Nagsimula na ang election period noong August 17 at magtatapos sa September 29.

Magugunitang sa Marawi City lamang hindi nakapagdaos ng halalan noong May 14 dahil sa gulong idinulot ng ISIS inspired Maute Terror Group sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.