Hurricane Florence, inaasahang lalakas pa habang papalapit sa Carolinas

By Rhommel Balasbas September 12, 2018 - 03:49 AM SHARE(S):

Nagbabanta ng delubyo ang Hurricane Florence sa Carolinas ayon sa National Weather Service (NWS).

Ito ay dahil sa patuloy na inaasahang paglakas ng bagyo na kasalukuyan nang nasa Category 4.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong lakas ng hanging aabot sa 215 kilometro kada oras at inaasahang mananalasa buka, araw ng Huwebes sa Wilmington, North Carolina.

Ito na ang itnuturing na pinakamalakas na bagyo na tatama sa Carolinas sa loob ng halos tatlong dekada.

Isinalarawan ito ni North Carolina Governor Roy Cooper bilang ‘extremely dangerous, life threatening, at historic hurricane’.

Ayon sa NWS, posibleng umabot ang storm surge hanggang sa 12 talampakan sa mga baybayin.

Nitong Martes ay nilagdaan na ni Pangulong Donald Trump ang declaration ng State of Emergency sa North at South Carolina.

Samantala, bukod sa North at South Carolina ay nagdeklara na rin ng states of emergency ang Virginia, Maryland at Washington DC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.