Duterte, ibinida ang martial law sa Mindanao

By Chona Yu, Rhommel Balasbas September 12, 2018 - 01:48 AM SHARE(S):

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao sa kabila ng mga insidente ng pambobomba sa rehiyon.

Sa one-on-one kasama si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sinabi ng pangulo na nakatulong ang batas militar para mapababa ang kriminalidad sa Mindanao.

Ayon sa pangulo, maaring magsagawa ng survey ang media networks sa mga mamamayan ng Mindanao para malaman ang pulso ng mga ito sa batas militar.

“It has lessened criminality by a large and the only way to do that is to conduct a survey amongst the people of Mindanao. The political leaders, they can call them. May mga number man ‘yang mga istasyon (media). Maybe they can conduct an interview. Or they can always ask their network there to do the survey. Tingnan natin,” ayon sa pangulo.

Noong Mayo noong nakaraang taon isinailalim sa martial law ang buong rehiyon upang mapuksa ang umuusbong na rebelyon sa pangunguna ng ISIS-inspired Maute terror group.

Sa kabila ng pagpapatupad nito, dalawang pagsabog ang naganap sa Isulan, Sultan Kudarat noong Agosto 28 at September 2 na ikinasawi ng lima katao.

Samantala, sinabi rin ng pangulo na inaako niya ang responsibilidad sa pagdedeklara ng martial law.

Anya, kung walang ngipin ito, walang mangyayaring katahimikan sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.