13 senior citizens, patay sa aksidente sa Kalinga

By Isa AvendaƱo-Umali September 12, 2018 - 12:49 AM SHARE(S):

Patay ang labing tatlong senior citizens habang dalawampu’t walo ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa Barangay Dao-Angan, Balbalan, Kalinga Martes ng hapon.

Batay sa report na nakarating kay Senator Richard Gordon, ang chairman ng Philippine Red Cross, nasa 40 senior citizens, na kukuha sana ng kanilang pensyon, ang sakay ng isang jeepney.

Dakong 2:35 ng hapon nang makaranas na engine malfunction ang jeepney at biglang nawalan na ng kontrol hanggang sa mahulog sa bangin.

Rumesponde ang medic team ng PRC sa lugar upang magbigay ng ayuda at lapatan ng lunas ang mga sugatan.

Ang mga sugatan ay dinala sa Kalinga Western District Hospital.

Patuloy na iniimbestigahan ang aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.