Kakapusan ng suplay ng bigas, artificial lamang ayon kay Pangulong Duterte

By Chona Yu September 12, 2018 - 12:42 AM SHARE(S):

Artificial lamang ang nararanasang kakapusan ng suplay ng bigas sa bansa.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, resulta lamang ng pagmamanipula ng mga tiwaling negosyante ang rice shortage sa merkado.

Paliwanag ng pangulo, may sapat na suplay ng bigas.

Katunayan, mayroon aniyang 4.8 million metric tons ng bigas ang Pilipinas at patuloy din ang pag-angkat sa ibang bansa.

Ang problema ayon sa pangulo, nasa mga bodega lamang ang bigas at hindi inilalabas sa merkado ng mga negosyante.

Banta ng pangulo sa mga rice trader, huwag siyang pwersahin na gumamit ng dahas para mailabas sa mga bodega ang bigas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.