Mga checkpoint ng militar at pulis, pinabububuwag na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu September 12, 2018 - 12:39 AM SHARE(S):

Pinabubuwag na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang lahat ng checkpoint sa buong bansa.

Ayon sa pangulo, ang mga checkpoint ang isa sa mga dahilan kung kaya tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Paliwanag ng pangulo, nagkakaroon ng kikilan at nakawan sa mga checkpoint mula sa mga magsasaka na nagluluwas ng mga produktong pagkain.

Sa halip na pagtuunan ng mga pulis at sundalo ang pagtatayo ng mga checkpoint, mas makabubuting tutukan na lamang ang paglaban sa mga komunista.

Iginiit pa ng pangulo na hindi sa highway dapat na isagawa ang pakikipaglaban sa mga komunista kundi sa mga bundok para hindi maapektuhan ang ekonomiya ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.