Magdalo at Sison, itinanggi ang sinasabing sabwatan para patalsikin si Pangulong Duterte

By Len Montaño September 12, 2018 - 12:37 AM SHARE(S):

Parehong itinanggi ng Magdalo Group at ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison na may sabwatan sila para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sison at Magdalo Group ay nasa likod ng ouster plot laban sa kanya.

Pinabulaanan ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na nakikipag-sabwatan sila sa mga komunista.

Sinabi pa ng kongresista na hindi kailangang paalalahanan ng pangulo ang mga sundalo kung ano ang nagawa nito para sa kanila.

Sa isa namang statement ay sinabi ni Sison na nag-aalala na si Duterte at desperado na ito para maisip na matatanggal siya sa pwesto sa Oktubre.

Itinanggi nito ang anumang destabilization plot laban sa pangulo dahil ang nais anya ng CPP ay isulong ang pagkakaisa ng mga maka-kaliwa.

Dagdag ni Sison, walang usapan sa pagitan niya o ng CPP at Sen. Antonio Trillanes o Liberal Party kaugnay ng oust plot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.