House version ng Train 2 pag aaralan muna ng Senado

By Jan Escosio September 12, 2018 - 12:30 AM SHARE(S):

Inamin ni Senate President Tito Sotto III na bukas sila na -iadapt na lang ang ipinasang Trabaho Bill o TRAIN 2 ng Kamara.

Aniya bubusisiin ng kanilang Ways and Means Committee na pinamumunan ni Sen. Sonny Angara ang panukala at ikukumpara ito sa inihain niyang bersyon.

Inamin ni Sotto na nagkausap sila ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo noong Lunes at pinakiusapan siya nito na pag-aralan nila sa Senado ang panukala.

Dagdag pa nito, may sapat silang panahon para matalakay ang panukala at aniya dadaan ito sa matinding debate.

Samantala, inamin ni Sotto na kung ang original version ng pangalawang tax reform package ang pag-uusapan mahihirapan na mailusot ito sa Senado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.