AFP, pinakakalma ang publiko ukol sa social media posts na may naispatang army tanks sa EDSA

By Isa AvendaƱo-Umali September 12, 2018 - 12:27 AM SHARE(S):

Pinayuhan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang publiko na kumalma, kasunod ng mga ulat at obserbasyon ng ilan na may mga tangke at helicopters ng militar na naispatan sa ilang lugar, gaya sa EDSA.

Sa isang statement, sinabi ni Marine Col. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP, walang dapat ikaalarma ang mga tao.

Ayon kay Arevalo, wala namang “sizeable movements” ng military aircraft o armoured vehicles ng AFP.

Kung mayroon man noon o sa mga darating na araw, sinabi ni Arevalo na ito ay routine movements na “properly coordinated.” Kung may makita man sa iba pang lugar kung saan may military camps, normal lamang daw ito.

Umapela naman si Arevalo sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng mga tsismis o haka-haka, dahil hindi ito nakakatulong.

Nagbibigay lamang din ito ng maling impormasyon, kalituhan at panic o takot.

Kaya ani Arevalo, mainam na mag-ingat ang lahat laban sa mga tao o grupo na nagkakalat lamang ng mga tsismis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.