Pag-aresto kay Sen. Trillanes wala nang balakid ayon sa Malacañang

By Chona Yu September 12, 2018 - 12:23 AM SHARE(S):

Wala nang hadlang para sa Palasyo ng Malakanyang na tuluyan nang ipatupad ang Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang-bisa sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos mabigo si Trillanes na makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung gugustuhin ng gobyerno, maari nang arestuhin si Trillanes.

Nabigyan na aniya ng tsansa si Trillanes na maidepensa ang sarili sa korte.

Pero agad namang kumambyo si Roque at iginiit na malinaw ang utos ni Pangulong Duterte na walang gagawing pag-aresto kay Trillanes hangga’t walang warrant of arrest na inilalabas ang korte.

Sa ngayon, nasa bola na aniya ng Makati Regional Trial Court ang pagpapasya kung mag maglalabas ng warrant of arrest para kay Trillanes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.