Napilitang maglakad sa riles ang daan-daang pasahero ng Metro Rail Transit o MRT-3, sa kasagsagan ng rush Martes ng gabi.
Sa video na ibinahagi sa Radyo Inquirer ni Charmaine Jessica Cabalza, makikita na nagsilabasan ang mga pasahero mula sa isang tren makaaran itong magka-aberya, malapit sa may Magallanes station dakong 6:15 hanggang 6:20 ng gabi.
Kitang-kita na iritable na ang mga pasahero.
Ayon kay Cabalza, may pumutok daw sa may pintuan ng isang bagon ng MRT.
Sa statement naman ng Department of Transportation o DOTr, electrical failure ang dahilan ng aberya.
Worn-out o luma na umano ang electrical sub-component, na agad naman daw isasaayos at papalitan.
Ang Southbound train ay mayroong humigit-kumulang na pitong daang pasahero na lahat ay pinababa.
Makalipas ang 29 minuto ay isinakay naman daw ang mga apektadong pasahero sa ibang tren.
Muli namang humingi ng paumanhin ang DOTr at MRT-3 management dahil sa panibagong aberya sa kanilang tren.
Mga pasahero ng MRT, naglakad sa riles makaraang magka-aberya ang tren dakong 6:15 to 6:20PM.
Video c/o Charmaine Jessica Cabalza. @ceejaesshi @dzIQ990 pic.twitter.com/oeydiLhJDX
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) September 11, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.