Gastos lumaki dahil sa pananatili ni Trillanes sa loob ng Senado

By Den Macaranas September 11, 2018 - 07:33 PM

Inquirer file photo

Ibinunyag ni Sen. Cynthia Villar na problemado si Senate President Tito Sotto sa dagdag na gastusin ng Senado dahil sa pansamantalang pagtira doon ni Sen. Antonio Trillanes at ilan sa kanyang mga kasamahan.

Bukod sa konsumo sa kuryente ay babayaran rin ng liderato ng Senado ang overtime pay ng mga tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms na siyang nagbibigay seguridad kay Trillanes.

Sa panayam, sinabi ni Villar na inutos ni Sotto ang dagdag na seguridad sa Senado makaraan silang magpasya na kanlungin pansamantala ang kasamahang mambabatas.

Inaasahan naman na magtatagal pa sa loob ng Senado si Trillanes makaraang ibasura ng Supreme Court ang inihain niyang Temporary Restraning Order (TRO) laban sa Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam kay Trillanes sa Senado ay tumanggi siyang sagutin ang mga tanong sa kung hanggang kailan siya titira sa loob ng kanyang opisina.

Sinabi naman ng ilang senate insiders na takot lamang lumabas si Trillanes kahit na sinabi ng pamahalaan na hindi ito aarestuhin hangga’t walang warrant of arrest na inilalabas ang hukuman.

Kamakalawa lamang ay pinagbawalan na rin ng liderato ng Senado ang pagpasok at pagtamba sa loob ng Senate building ng mga tagasuporta ni Trillanes.

Ito ay makaraan ang kanilang ginawang misa sa hallway na sinasabing nakabulabog sa operasyon ng Senado.

TAGS: amnesty, duterte, Proclamation 572, Sotto, trillanes, Villar, amnesty, duterte, Proclamation 572, Sotto, trillanes, Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.