Batanes handa na sa pagpasok ng malakas na bagyo
Nakahanda na ang lalawigan ng Batanes kaugnay sa inaasahang pagbayo ng bagyong Mangkhut sakaling pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ni Batanes Gov. Marilou Cayco na nakahanda na ang kanilang mga tauhan para sa mabilis na mobilization sa mga lugar na mangangailangan ng mabilis na tulong.
Pero sinabi ng opisyal na kapos ang kanilang buffer sa bigas mula sa National Food Authority (NFA).
Bukod sa National Disaster Risk Reduction and Manage Council ay nakausap na rin ni Cayco ang mga opisyal ng Philippine Red Cross para sa mabilis na ayuda sa mga tatamaan ng bagyo.
Bukas ng gabi ay inaasahang papasok sa bansa ang malakas na bagyo pero sinabi ng Pagasa na sa weekend pa mararamdaman ang lakas ng hangin at dalang ulan nito.
Bukod sa Batanes, inalerto na rin ng Office of the Civil Defense ang mga lalawigan sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Autonomous Region (CAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.