Kaso ng “tanim bala”, nadagdagan pa

By Alvin Barcelona, Kathleen Betina Aenlle October 31, 2015 - 06:01 AM

NAIA1Tila wala nang katapusan ang kaso ng mga laglag o tanim-bala na naitatala sa mga paliparan.

Kahapon ay may dalawa na namang pasahero na nakatakdang umalis ng bansa ang inaresto matapos makitaan ng mga bala sa kanilang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 (NAIA-2).

Dahil dito, nanawagan na si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Malacañang na solusyunan na ang problema sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “Presidential Action and Complaint Desk” sa mga paliparan upang malapitan ng mga biyaherong pumaparo’t parito sa ating bansa.

Ngunit ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, hindi na ito kailangan dahil sa kanyang pagkaka-alam ay mayroon ng mga nakatalagang opisyal sa mga paliparan na tumutulong sa mga pasahero.

Meron na din aniyang mga public assistance desk sa mga paliparan upang maglingkod at magbigay ng tulong sa mga kanila.

Tiniyak rin ni Coloma na may mga kawani na ng pamahalaan ang tumututok sa mga imbestigasyon

Samantala, dumagdag na rin sa mga sumusuporta sa pagiimbestiga ng senado sa mga kaso ng tanim bala si Sen. Miriam Defensor Santiago.

TAGS: laglag bala, NAIA, tanim bala, laglag bala, NAIA, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.