Magdalo group hinamon ng pangulo na mag-kudeta

By Chona Yu, Den Macaranas September 11, 2018 - 05:02 PM

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Magdalo na maglunsad ng kudeta laban sa kanyang administrasyon.

“I am challenging Magdalo to start now. Sigurado ninyo na inyo ang sundalo”, ayon sa pangulo.

Sa kanyang public address mula sa Malacañang, sinabi ng pangulo na may hawak silang mga katibayan na nakikipag-sabwatan ang grupo ni Sen. Antonio Trillanes sa iba’t ibang grupo para guluhin ang administrasyon.

Ayon pa sa pangulo, “Ano’ng nagawa mo, maski kaunti, na nakatulong sa sundalo? I urge you to go to Trillanes. Kung nakita niyong may ginawa si Trillanes para sa inyo, go to them and stage a mutiny or revolution or whatever”.

Muli ring pinanindigan ng pangulo na mali ang ibinigay na amnesty kay Trillanes dahil si dating Defense Sec. Voltaire Gazmin lamang na kanyang tinawag na kaibigan ang nakapirma sa certificate of amnesty ng mambabatas.

“Any lawyer will always agree with me that it is personal and exclusive to the President. An act of pardon or an act of amnesty is an act of state. It cannot be delegated to anyone but the president himself”, paliwanag ni Duterte.

Nauna na ring sinabi ng pangulo na igagalang niya ang hukuman at hindi niya ipahuhuli si Trillanes hanggang walang inilalabas na arrest warrant ang korte.

Samantala, sinabi ng pangulo na walang kinalaman si Trillanes na magsalita laban sa katiwalian.

“Noong nasa serbisyo pa ang tatay mo pati ikaw hindi ba ang nanay mo ang nakakuha ng maraming kontrata sa militar”, tugon ng pangulo sa mambabatas.

Binanggit rin ng pangulo na tila hindi nag-iisip si Trillanes nang sabihin nito na nakialam ang ama ni Duterte kaya ito nakapasa sa law school at bar exam.

Paliwanag ni Duterte, “My father died earlier bago ako pumasa sa bar…mag-isip ka nga”.

TAGS: amnesty, DND, duterte, Gazmin, magdalo, NPA, panelo, trillanes, amnesty, DND, duterte, Gazmin, magdalo, NPA, panelo, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.