Byahe ng tren na Caloocan-FTI binuhay ng PNR

By Den Macaranas September 11, 2018 - 04:13 PM

Inquirer file photo

Muling binuhay ng Philippine National Railways (PNR) ang ruta sa kanilang byahe na Sangandaan, Caloocan-FTI sa Taguig City.

Ipinaliwanag ni PNR acting operations manager Joseline Geronimo na marami sa kanilang mga commuters ang humihiling na ibalik ang nasabing ruta.

Ayon sa tala ng PNR, taong 1998 pa nang huling tumakbo ang mga tren sa nasabing ruta na nag-uugnay sa magkabilang dulo ng Metro Manila.

Aminado naman si Geronimo na marami pa silang aayusin sa nasabing proyekto tulad na laman ngmga waiting sheds at comfort rooms.

Apat na tren ng PNR ang itinalaga sa nasabing ruta kung saan ang unang byahe ay umaalis sa Sangandaan Station sa oras na alas-singko ng umaga na susundan ng 7 a.m, 3 p.m at 5 p.m trips.

Para sa Southbound ang unang byahe ng tren sa FTI-Taguig ay alas-sais ng umaga na susundan naman ng 8 a.m, 4 p.m at 8 p.m na byahe.

Inaayos na rin ng PNR ang mga riles ng tren para paabutin ang byahe hanggang sa Malabon City.

TAGS: BUsiness, FTI, geronimo, Metro Manila, PNR, BUsiness, FTI, geronimo, Metro Manila, PNR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.