DOJ nagpasalamat sa pagbasura ng SC sa hirit na TRO ni Trillanes
Ikinatuwa ng Department of Justice ang pagtanggi ng Supreme Court na mag-isyu ng temporary restraining order laban sa Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.
Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na kinilala ng Korte Suprema ang hurisdiksyon ng mababang korte sa rebellion at coup d’ etat case ni Trillanes.
Matatandaang sinabi ng Korte Suprema na hahayaan nila ang Makati Regional Trial Court na resolbahin muna ang legalidad ng Proclamation 572 ni Duterte laban kay Trillanes.
Una nang naghain ang DOJ ng mosyon sa dalawang branch ng Makati RTC para maglabas ito ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Trillanes kasunod ng pagpapawalang bisa sa amnestiya na ibinigay sa senador ng Aquino administration.
Sinabi ng Makati RTC na bago maglabas ng warrant of arrest o HDO ay kailangan nilang pakinggan ang panig ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.