Hiniling ni Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez sa Kamara na ipasa na ang Kamara ang panukala para sa Department of Disaster Resilience.
Ayon kay Romualdez na isa sa pangunahing may akda ng panukala mas magiging maayos ang paghahanda ng pamahalaan laban sa mga kalamidad kung mayroong hiwalay na gobyerno na mangangasiwa rito.
Isinulong ito ng mambabatas matapos ang matinding pananalasa ng bagyong Yolanda sa Leyte at mga kalapit na lalawigan.
Hindi na anya dapat maulit ang nangyari sa kanilang lugar na siyang naging ground zero ng super bagyo.
Paliwanag nito, naging pahirapan ang disaster response at relief operations sa mga biktima ng bagyo dahil sa walang central agency na nakatutok dito.
Sa kasalukuyan ang disaster preparedness and management ay nasa poder ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nasa ilalim ng Office of Civil Defense na attached agency ng Department of National Defense.