Malacañang: Hirit ng TRO ni Trillanes mahina ang argumento

By Chona Yu September 11, 2018 - 03:14 PM

Hindi na nagulat ang Malacañang sa naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang hirit ni Senador Antonio Trillanes IV na temporary restraining order at preliminary injunction kaugnay sa Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa kanyang amnestiya.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sa una pa lamang kasi ay batid na ng Malacañang na walang matibay na pundasyon ang hirit ni Trillanes.

Sinabi pa ni Panelo, na maaring idagdag na rin ngayon sa comment ng gobyerno ang hindi pag-aaply ni Trillanes ng amnesty at hindi pag-amin sa kanyang pagsasagawa ng kudeta noong 2003 at 2007 kahit na hindi naman ito nakasaklaw sa proklamasyon.

Kasabay nito, ipinauubaya na aniya ng palasyo sa Makati Regional Trial Court ang pagpapasya ngayon sa kapalaran ni Trillanes.

TAGS: panelo, Proclamation 572, Supreme Court, trillanes, tro, panelo, Proclamation 572, Supreme Court, trillanes, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.