Public address ng pangulo ngayong araw hindi tuloy

By Chona Yu, Den Macaranas September 11, 2018 - 02:41 PM

Inquirer file photo

Isang oras bago ang nakatakdang pagharap sa mga miyembro ng media ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kinansela ang ipinatawag niyang press conference.

Pero bago yan sa regular na press briefing sa Malacañang kahapon ay sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may mahalagang anunsyo ngayong araw ang pangulo.

Sa pamamagitan ng mensahe na ipinarating sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps ay sinabi ni Communicationse Usec. Mia Reyes na hindi na kasama ang press conference sa mga schedule ng pangulo ngayong araw.

Wala namang sinabing dahilan ang opisyal sa ipinadala niyang mensahe sa mga miyembro ng media.

Pero makalipas lamang ang ilang minuto ay sinabi ng Presidential Communications Operations Office na kakausapin na lamang ng pangulo si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Ngayong araw ay nakatakda rin ang regular na cabinet meeting kasama ang pangulo sa Malacañang.

TAGS: duterte, go, Malacañang, panelo, public address, Roque, duterte, go, Malacañang, panelo, public address, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.