SC hindi nag-isyu ng TRO vs Proclamation No. 572 ni Pang. Duterte
Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang hinihinging TRO ni Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa proklamasyon ng Malakanyang na nagpapawalang-bisa sa kaniyang amenstiya.
Sa halip ipinaubaya ng Korte Suprema sa Makati Regional Trial Court ang pagresolba sa usapin dahil nagsampa naman na ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) sa lower court hinggil sa usapin.
Sinabi din ng SC na kinikilala nila ang pahayag ni Pangulong Duterte na susundin naman ang rule of law at hindi dadakipin si Trillanes hangga’t walang warrant of arrest mula sa korte.
Ganito rin ang naging pahayag ng Department of National Defense at ng Armed Forces of the Philippines na hindi muna sila kikilos sa court martial hangga’t walang pasya ang mababang korte.
Magugunitang sa kautusan ng Makati RTC ay binigyan nito ng panahon ang kampo ni Trillanes para sagutin ang mosyon ng DOJ na humihiling na magpalabas ng arrest warrant at HDO laban sa senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.