Inflation at hindi gawa-gawang destabilisasyon dapat talakayin sa “address to the nation” Pang. Duterte – BAYAN

By Isa Umali September 11, 2018 - 12:55 PM

Tugon ng pamahalaan sa isyu ng ekonomiya at estado ng bansa, at hindi isyu ng destabilisasyon.

‘Yan ang nais na marinig ng mga mamamayan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang magsagawa ng “address the nation” o, mamayang alas-tres ng hapon.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, mas dapat ihayag ni Presidente Duterte kung paano reresolbahin ng gobyerno ang nagtataaasan na presyo ng mga bilihin at serbisyo, at mahabang pila sa mga bilihan ng bigas.

Bukod dito, sinabi ni Reyes na tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Giit ni Reyes, inflation at hindi ang umano’y gawa-gawang destabilization plot ang dapat talakayin ng pangulo sa kanyang pagsalang sa address the nation.

Muli ring pinabulaanan ni Reyes ang umano’y tsismis na ikinakalat ng Malakanyang tungkol sa massive destabilization sa September 21.

Aniya, gugunitain ng iba’t ibang mga grupo ang martial law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na sasabayan ng pagkilos laban sa “tyranny” o diktaturya sa kasalukuyang administrasyon.

TAGS: address to the nation, BAYAN, Radyo Inquirer, renato reyes, Rodrigo Duterte, address to the nation, BAYAN, Radyo Inquirer, renato reyes, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.