3 Taiwanese, Pinay, nahulihan ng sangkap sa paggawa ng shabu sa Quezon

Tatlong Taiwanese nationals at isang Pinay ang dinakip sa Infanta, Quezon na naaktuhang ibibiyahe ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Naaktuhan ang mga suspek habang nasa pag-iingat nila ang illegal drug chemicals at sila ay sakay ng shipping cessel na nakadaong sa Lamon Bay sa Barangay Dinahican alas 4:00 ng madaling araw ng Martes, Sept. 11.

Ayon sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) ilang buwan nilang isinailalim sa surveillance ang grupo ang operasyson.

Gumagamit umano ng fishing business permit ang mga suspek bilang front sa ginagawa nilang pagde-deliver ng shabu patungo at mula sa Infanta.

Inaalam pa ngayon kung saan dadalhin ang mga kemikal at kung saang lugar ito ginagawa.

Ang mga hindi pinangalanang dayuhang suspek ay unang tinukoy ng pulisya na pawang Chinese Nationals.

Sinabi rin ng Infanta Police na sa laki ng halaga ng nasabat na mga kemikal ay maituturing itong pinakamalaking huli sa Calabarzon.

Read more...