Impeachment complaint vs 7 SC justices, ibinasura ng house panel
(BREAKING) Ibinasura na ng House Justice Committee ng Kamara ang impeachment complaint laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema.
Sa botong 23-1 ibinasura ang reklamong impeachment laban kay Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro at anim pang mahistrado ng Supreme Court.
Ito ay makaraang hindi kakitaan ng substance ng mga miyembro ng komite ang reklamo.
Bukod kay De Castro, kabilang sa nahaharap sa impeachment complaint sina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes Jr., Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.
Nagkakaisa ang mga mga miyembro ng komite ginagawa lamang ng mga mahistrado ang kanilang mandato na dinggin ang quo warranto petition na inihain laban kay dating CJ Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na original jurisdiction ng Supreme Court ang quo warranto petition kaya dapat lamang itong aksyunan ng korte.
Maari naman ayon kay Angkla Rep. Jess Manalo na maaring nagkaroon ng error of judgment ang mga mahistrado pero hindi ito nangangahulugan na culpable violatiom of the constitution.
Paliwanag naman ni Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta, walang ginawang impeachable offense ang pitont mahistrado ng korte dahil ang pinagpasyahan ng mga ito sa quo warranto petition ay ang qualification ni Sereno bago ito naitalaga.
Ayon naman kay Siquijor Rep. Rav Rocamora, dapat ma impeach ang mga inirereklamong mahistrado dahil hindi ang mga ito naging impartial sa pagdinig sa quo warranto petition laban kay Sereno.
Muling magsasagawa ng sesyon ang komite para sa committee report.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.