250 preso sa Bilibid inilipat sa Iwahig Prison and Penal Colony sa Palawan
Aabot sa 250 na mga preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Colony sa Palawan.
Ayon kay Bureau of Corrections Chief Ret. Gen. Ronald Dela Rosa ito ang tugon ng BuCor sa nararanasang overcowding o congestion sa Bilibid.
Sa ngayon kasi umaabot na sa 18,000 ang bilang ng mga nasa maximum security compound ng NBP gayung 5,000 lang ang capacity nito.
Target ng BuCor na sa pagtatapos ng taon ay makapaglipat ng hanggang 5,000 preso sa iba’t ibang penal colonies sa bansa.
Sa nilipatang penal colony tatapusin ng mga preso ang kanilang sentensya.
Binigyan naman ng kunsiderasyon sa ginawang paglilipat ang lugar kung saan may kaanak ang mga preso.
Ani Dela Rosa, ang mga preso na nakitaan ng pagbabago ang inilipat habang ang mga drug offender na patuloy na lumulusot sa ilegal na gawain ay mananatili sa maximum security para matutukan.
Ayon kay Dela Rosa, mas magiging maganda ang rehabilitasyon ng mga inilipat na preso dahil mas maayos ang pasilidad sa mga penal colony kay sa sa Bilibid na masyado nang congested.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.