Pilipinas, handa na sa Round 2 ng arbitration case laban sa China

By Kathleen Betina Aenlle October 31, 2015 - 05:22 AM

Philippine-delegation-to-the-United-Nations-Arbitral-Tribunal-in-The-Hague
Photo from Department of Foreign Affairs

Handa nang magpatuloy sa Round 2 ang Pilipinas matapos pagpasyahan ng United Nations arbitral court na mayroon itong hurisdiksyon para dinggin ang reklamo nito hinggil sa pang-aangkin ng China sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Solicitor General Florin Hilbay, itinakda na ng UN Permanent Court of Arbitration ang ikalawang round ng oral arguments ng Pilipinas kontra China sa November 24 hanggang 30 sa The Hague.

Sa isang pahayag sinabi ni Hilbay na isa itong malaking hakbang patungo sa layunin ng Pilipinas na magkaroon ng mapayapang resolusyon sa agawan ng teritoryo at nang maging malinaw rin ang mga karapatan ng dalawang bansa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Nagbigay daan din sa Pilipinas ani Hilbay ang elimination ng preliminary objections sa hurisdiksyon ng tribunal upang maipresenta ang mga meritong magpapatunay sa ipinaglalaban ng bansa.

Ganito rin ang naging pagtanggap ng Department of Foreign Affairs, ang ahensyang pangunguna sa mga ligal na hakbang tungkol sa usapin, sa nasabing desisyon ng UN.

TAGS: arbitration case vs china, the hague, West Philippine Sea, arbitration case vs china, the hague, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.