Empleyado ng provincial capitol at live-in partner, patay sa pananambang sa Davao Del Sur

Patay ang miyembro ng civil security unit ng kapitolyo ng Davao Del Sur at kaniyang ka-live in makaraang tambangan sa bayan ng Matanao.

Sakay ng kanilang motorsiklo ang mga biktimang sina Gerry Blatang Diagan, 35 anyos at live-in partner niyang si Florgelel Lao Flores nang sila ay tambangan sa bahagi ng Barangay Sinawilan.

Ayon kay Chief Insp. Grace De Castro, tagapagsalita ng provincial police, patuloy ang manhunt operation laban sa mga suspek sa pananambang.

Si Diagan ay regular na empleyado ng civil security unit ng kapitolyo habang si Flores naman ay isang job order employee.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Read more...