18 suspek sa Lamitan bombing kinasuhan na
Sinampahan na ng Philippine National Police (PNP) ang 18 suspek sa pagpapasabog sa Lamitan City, Basilan.
Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, sa 18 mga suspek, 8 pa lamang ang hawak ng mga otoridad habang pinaghahanap pa ang 10.
Sinabi ni Albayalde na kasong murder at multiple frustrated murder ang isinampa laban sa mga suspek sa Isabela City Regional Trial Court Branch 2.
Kabilang sa mga hawak na ngayon ng PNP ang mga sumusunod na suspek:
• Musa Jallaha
• Nsir Nuruddin
• Al Basir Ahmad
• Julamin Arundoh
• Saad Tedie
• Ammar Indama
• Hadji Hurang
• Abdurahim Lijal
Ani Albayalde si Arundoh ang bomb expert na nag-assemble ng improvised explosive device (IED) habang sina Tedie at Indama naman ay bahagi ng pagpaplano at paghahanda ng IED.
Si Jallaha ay nagsilbing “middleman” at may kinalaman sa pagbili ng ginamit na van.
Sampu ang nasawi sa nasabing pagpapasabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.