Mahigit 400 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Maynila
Umabot sa kabuuang 421 na katao ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Manila Police District simula alas 5:00 ng umaga ng Lunes, September 10, 2018 hanggang 5:00 ng umaga ng Martes, September 11, 2018 dahil sa mga iba’t ibang paglabag sa City Ordinances.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Carlo Manuel, nagsasagawa ng Anti-Criminality Campaign ang mga tauhan ng Raxabago Police Station Police Station -1 hanggang Police Station 11 kung saan inanyayahan ang 421 katao dahil sa ibat-ibang mga paglabag sa mga ordinansa.
Kabilang sa mga nilabag ng mga dinakip na indibidwal ay ang pag-iinum sa pampubliko lugar, paglabas ng walang damit na pang itaas, naninigarilyo sa pampublikong lugar, at mga menor de edad na lumabag sa curfew hours.
Paliwanag ni Supt. Manuel, mahigpit ang ipinalabas na kautusan ni MPD District Director Chief Supt Rolando Anduyan na tiyaking naipatutupad ang mga umiiral na ordinansa ng lungsod upang magkaroon ng disiplina ang publiko.
Umaasa si Manuel na tatalima na ang mga Manilenyo sa umiiral na mga Ordinansa para na rin sa kaligtasan at kaayusan ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.