Walang bagong proklamasyon sa amnestiya ng mga sundalong kasama ni Trillanes – Malakanyang

By Chona Yu September 11, 2018 - 09:49 AM

Pinakakalma na muna ng Malakanyang ang ibang mga sundalo na sumama kay Senador Antonio Trillanes IV sa pag-aaklas laban sa gobyerno noong 2003 at 2007.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tanging ang amnestiya ni Trillanes pa lamang ang idinideklarang walang bisa o null and void ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, base sa kanyang pagkakakaalam, walang ilalabas na bagong proklamasyon ang pangulo para bawiin ang amnestiya ng ibang sundalo gaya ni Magdalo Rep. Gary Alejano at iba pa.

Pinaninindigan ng Malakanyang na ang pagiging lider ni Trillanes sa dalawang kudeta ang isa sa mga naging basehan ng pangulo para ipawalang bisa ang amnestiya.

“I’m not aware. Senator Trillanes has a declaration is so far the only that the President has proclaimed to be null and void ab initio and on good basis, there’s a basis for distinction because Trillanes was the acknowledged leader of the Magdalo mutineers,” ani Roque.

TAGS: amnesty, Harry Roque, magdalo soldiers, Radyo Inquirer, amnesty, Harry Roque, magdalo soldiers, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.