P13B halaga ng pananim sa Northern Luzon maaring maapektuhan ng Typhoon Ompong
Posibleng umabot sa 1.2 milyon na ektarya ng mga panamin na palay at mais sa Northern Luzon ang maaring maapektuhan ng Typhoon Ompong na may international name na “Mangkhut” sa sandaling makapasok ito sa bansa.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol, itinaas na ang alerto sa ng DA sa Northern Luzon para mapaghandaan ang bagyo.
Ang worst case scenario kasi aniya base sa pagtaya ng Field Operations Office ng DA, maaring umabot sa P7 billion na halaga ng pinsala ang maidulot ng bagyo sa mga panananim na palay sa Cordillera Region, Ilocos Region, at Cagayan Valley.
Nasa P3.3 billion namang pinsala ang moderate projection ng DA sa panananim na palay.
Sa mga pananamin na mais, P6.2 billion ang projected crop loss kung magiging matindi ang pinsala ng bagyo, at P4.2 billion lamang ang moderate projection.
Inabisuhan na ang lahat ng DA Field Offices sa mga nabanggit na rehiyon na i-activate ang kanilang disaster monitoring offices at mag-operate ng 24-oras para imonitor ang epekto ng bagyo.
Pinaghahanda din ng food supplies ang mga regional office ng DA para maipamahagi sa mga maaapektuhang magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.