Liham mula kay Kim Jong Un na humihiling ng ikalawang pulong natanggap na ni Trump

Natanggap na ni US President Donald Trump ang liham mula kay North Korean leader Kim Jong Un na humihirit ng follow-up meeting matapos ang makasaysayang summit ng dalawang lider sa Singapore.

Ayon sa pahayag ng White House, inilarawan bilang “very warm” at “positive” ang liham na nagpapakita umano ng commitment ng Pyongyang na pagtuunan ng pansin ang denuclearization sa Korean Peninsula.

Sinabi ng White House na pangunahing pakay ng liham ang humirit ng panibagong pulong sa pagitan nina Trump at Kim.

Magugunitang naging makasaysayan ang summit ng dalawa sa Singapore noong Hunyo.

Tatalakayin pa kung kailan magaganap ang ikalawang pulong.

Read more...