Pagdinig sa impeachment complaint vs 7 SC justices, itutuloy ngayong araw
Ipagpapatuloy ngayong umaga ng House Justice Committee ang pagdinig sa reklamong impeachment laban kay Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro at anim pang mahistrado ng Korte Suprema.
Tatalakayin ng mga miyembro ng komite kung may sapat na substance ang reklamo.
Hindi kasi natapos ang pagdinig noong nakalipas na linggo matapos maghain ng mosyon ang mga miyembro na hindi pa nila nababasa ng buo ang reklamo.
Nauna rito sa botong 21 na Yes at 0 na No Kinakitaan na sufficient in form ng Justice Committee ang reklamong impeachment.
Pinagkasunduan din ng mga ito na i-consolidate ang reklamo dahil sa magkaka ugnay naman ito.
Bukod kay De Castro, kabilang sa nahaharap sa impeachment complaint sina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes Jr., Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.