Vatican maglalabas ng pahayag kaugnay sa panawagang bumaba sa pwesto si Pope Francis
Maglalabas ng pahayag ang Vatican sa mga alegasyon na inilabas ng isang Italian archbishop na humihiling na bumaba sa pwesto si Pope Francis.
Base sa akusasyon ng naturang arsobispo, pinagtatakpan umano ng Santo Papa ang sexual misconduct ng isang American cardinal.
Dahil sa nasabing akusasyon, nagsagawa ng tatlong araw na pagpupulong ang “C-9” – ang grupo na binubuo ng siyam na cardinal mula sa iba’t ibang panig ng mundo na tumatayong mga adviser ng Santo Papa.
Unang naglabas ng pahayag ang mga cardinal at sinabing buo ang kanilang suporta kay Pope Francis.
Ayon sa mga kritiko, maaring paghihiganti lamang ng arsobispo ang kaniyang mga akusasyon matapos siyang hindi gawing cardinal ng Santo Papa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.