LOOK: Cancelled flights ng CebuPac dahil sa Typhoon Mangkhut at Typhoon Jebi

Ilang flights ng Cebu Pacific ang kanselado ngayong araw ng Martes, September 11, 2018 dahil sa mga bagyong Mangkut at Jebi.

Sa abiso ng Cebu Pacific kinansela nila ang sumusunod na biyahe dahil sa Typhoon Mangkhut:

• 5J 101 Manila-Guam
• 5J 102 Guam-Manila

Habang bunsod naman ng pinsala ng Typhoon Jebi sa Kansai International Airport sa Japan, kanselado din ang sumusunod na biyahe ng Cebu Pacific:

• 5J 828 Manila-Osaka
• 5J 827 Osaka-Manila

Ang mga apektadong pasahero ay maaring magpa-rebook ng kanilang flights o ‘di kaya ay magpa-refund ng pamasahe.

Read more...