Ilang mga posisyon sa gabinete mababakante ayon sa Malacañan
Abangan sa susunod na 20 araw kung mayroong bagong tagapagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa napipintong filing of candidacies na magsisimula na sa October 1 para sa mga kakandidato sa 2019 elections.
Isa si Roque sa mga napaulat na tatakbong senador sa susunod na halalan.
Ayon kay Rroque, dapat na abangan ng taumbayan kung tuloy o hindi ang paghahain niya ng certificate of candidacy (COC).
Kasabay nito, sinabi ni Roque na asahan na na magkakaroon ng mga bakanteng puwesto sa gabinete ng pangulo.
Oras kasi aniya na naghain ng COC ang isang opisyal ng gobyerno, otomatikaong maikukunsidenrang bakante na ang kanyang puwesto.
“Well lahat po ng magsusumite ng kandidatura will be deemed resigned from their post, so magkakaroon po ng vacancies in the Cabinet,” ani Roque.
Bukod kay Roque, sinabi ng pangulo na kakandidato rin sa pagkasenador sina Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, Bureau of Corrections (BuCor) Director Ronald Dela Rosa, at iba pa.
“Wala pa po akong nalalaman na siguradong maghahain ng kandidatura at wala pa po akong nalalaman na naiisip na ipalit sa mga ito,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.