Pilipinas wagi sa kauna-unahang Miss Tourism Worldwide

By Justinne Punsalang September 11, 2018 - 12:01 AM SHARE(S):
Miss Tourism Worldwide

Inuwi ng pambato ng Pilipinas na si Zara Carbonell ang korona para sa kauna-unahang Miss Tourism Worldwide.

Batay sa official Facebook page ng Miss Tourism Worldwide, layunin ng pageant na i-promote ang tourism at culture exchange sa buong mundo.

Ginanap kagabi sa Indonesia ang coronation night, kung saan itinanghal na 1st Runner Up si Miss Thailand, at 2nd Runner Up naman si Miss South Africa.

Samantala, 3rd Runner Up naman si Miss France, habang si Miss Siberia naman ang 4th Runner Up.

Si Zara ay anak ng aktor na si Cris Carbonell at kanyang asawa na si Zharine Marie Carbonell na dating model at ngayo’y isang negosyante.

Sa question and answer portion ng pageant, tinanong kay Zara kung anong accomplishment ang pinakaproud siya, at sinabi niya na ito ang kanyang pagiging co-founder ng isang social enterprise na ang nagpo-promote ng self-awareness sa mga kabataan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.